Matapos ang tatlumpu’t limang (35) taong ban sa mga sinehan sa Saudi Arabia, nakatakda na itong alisin ng Saudi government sa susunod na taon.
Ayon sa Ministry of Culture and Information ng Saudi Arabia, sisimulan na nila ang pag – iisyu ng mga lisensya para sa mga mag – o – operate ng sinehan, kung saan inaasahang magbubukas ang unang sinehan sa Marso.
Gayunman wala pang paglillinaw kung anong klaseng mga pelikula ang ipalalabas at kung papayagang magtabi sa upuan ang mga babae at lalaki.
Magugunitang sa ilalim ni Crown Prince Mohammed Bin Salma, unti – unti nang lumuluwag sa Saudi Arabia, kung saan nauna nang pinayagan ang mga babae na makapagmaneho.