Binigyang diin ng Department of Enviroment and Natural Resources o DENR na nananatili pa rin ang ban laban sa open pit mining na una nang ipinatupad ni dating DENR Secretary Gina Lopez.
Ayon kay Environment Secretary Roy Cimatu, alinsunod sa naging kautusan ay walang papayagang anumang mining activity sa mga watershed areas.
Sakop ng naturang administrative order ang pagmimina ng copper, gold, silver at complex order sa buong bansa.
Samantala, sinabi ni Cimatu hindi pa mailabas ang review ng mining audit kaugnay sa mga motion for recosideration na inihirit ng higit 20 mga mining companies na sinuspinde noong panahon ni Lopez.
By Rianne Briones