Tinanggal na ng DA o Department of Agriculture ang ipinatupad nitong ban sa pag-aangkat ng mga manok at iba pang poultry products mula Luzon patungong Visayas at Mindanao.
Ayon kay DA Secretary Manny Piñol ang nasabing pagtatanggal sa ban ay nakabatay sa rekomendasyon ng bio-security team ng ahensya.
Dagdag ni Piñol na ngayong araw ay kaniyang pipirmahan ang administrative order kaugnay ng pagtatanggal ng ban.
Matatandang, ipinag-utos ni Piñol ang pagbabawal sa pag-aangkat ng mga poultry products mula Luzon patungo sa ibang bahagi ng bansa isang araw matapos makumpirma ang bird flu outbreak sa San Luis, Pampanga.