Posibleng tanggalin na ng Department of Agriculture ngayong buwan ang ban sa pag-aangkat ng mga karneng baboy mula sa bansang Brazil.
Ito’y makaraang magpositibo sa Salmonella Bacteria ang mga karne mula sa nasabing bansa kasunod ng ginawang random inspeksyon ng NMIS o National Meat Inspection Service.
Ayon kay Agriculture Secretary Manny Piñol, gagawin nila ang hakbang batay na rin sa rekumendasyon ng ipinadala nilang team sa Brazil para inspeksyunin ang kalidad ng mga karne ruon.
Batay sa tala ng D.A., aabot sa 646 na milyong kilo ng karne ang inangkat ng Pilipinas nuong isang taon kung saan, dalawampung porsyento ng karneng baka, labing limang porsyento ng manok habang isang porsyento lamang ng karneng baboy ang nagmula sa Brazil.