Ipinagbawal na ng pamahalaan ng China ang pagbebenta ng mga wildlife o mga non-domesticated na hayop sa lahat kanilang mga palengke, supermarket at restaurants.
Kasunod na rin ito ng pagdedeklara ni Chinese President Xi Jinping bilang isang “grave situation” ang mabilis na pagkalat ng 2019 novel corona virus sa buong China.
Batay sa ipinalabas na pahayag ng China market watchdog, Agricultural Ministry at Forestry Bureau, kanila na ring i-iisolate o ihihiwalay ang mga lugar na nagbi-breed o nagpaparami ng mga wild animals.
Naka-ban na rin anila ang pagbibiyahe sa mga wildlife.
Sinasabing nagsimula ang NCov sa palengke ng mga seafoods sa Wuhan na iligal na nagbebenta ng mga wildlife.