Pinalagan ni Russian President Vladimir Putin ang ipinataw na apat na taong ban laban sa Russia para makasali sa mga malalaking pandaigdigang global sporting events tulad ng 2020 Tokyo Olympics at 2022 World Cup.
Ayon kay Putin, isang uri ng pamumulitika ang nabanggit na pasiya ng World Anti-Doping Agency na aniya’y taliwas sa isinasaad ng olympic charter.
Iginiit ni Putin, walang dapat patunayan ang Russian Olympic Committee kaugnay ng sinasabing pagmamanipula nila sa mga isinumiteng datos hinggil sa drug tests ng kanilang mga manlalaro.
Magugunitang, nagpasiya ang world anti-doping agency na suspendihin ang Russia sa pagsali sa mga major global sporting events matapos mapatunayang kanila umanong dinaya ang ilang impormasyon sa isang doping testing laboratory.