Sumugod sa senado ang grupong Ban Toxics, isang environmental group.
Sa harap ito ng pagkakadiskubre na hindi lamang basura ng Canada ang itinapon sa Pilipinas kun’di maging, mula sa Hong Kong, South Korea at Australia.
Kinalampag ng grupo ang mga senador na ratipikahan na ang basel ban amendment upang maiwasan nang gawing basurahan ng mayayamang bansa ang Pilipinas.
Sa ilalim ng basel ban amendment, pinagbabawalan ang mayayamang bansa na itapon sa mahihirap bansa tulad ng Pilipinas ang kanilang basura.
Bagamat signatory ang Pilipinas sa basel convention noong 1994, hindi pa niraratipikahan ang amyenda.