Umapela sa pamahalaan ang Pilipino Banana Growers and Exporters Association o PBGEA na tulungan ang kanilang industriya na masugpo ang pesteng sumisira sa produksyon ng saging sa bansa.
Nangangamba kasi ang nasabing grupo na tuluyang maapektuhan ng peste ang kanilang industriya kung hindi sila matutulungan ng gobyerno.
Dahil dito, isinulong ng PBGEA ang pagtatayo ng Banana Research Institute na inaasahang makatutulong ng malaki sa industriya ng magsasaging na makabuo ng solusyon at mapigilan ang paglaganap at banta ng pesteng fusarium wilt o mas kilala bilang Panama Disease sa iba pang mga sagingan sa bansa.
Binigyang-diin ni PBGEA Executive Director Stephen Antig na kailangang mapanatili ang magandang klase ng saging para kaya itong makipag-kompetisyon sa ibang mga bansang nagpo-prodyus ng saging gaya ng cavendish banana.
By: Meann Tanbio