Walang puknat ang banat ni Pangulong Rodrigo Duterte sa kanyang ka-partidong si Senador Manny Pacquiao, Presidente ng PDP-Laban.
Inungkat ni Pangulong Duterte sa pulong ng mga miyembro ng partido ang P2.2 billion tax evasion case ni Pacquiao bilang resbak sa akusasyon nitong mas tiwali ang kasalukuyang gobyerno.
“Ito lang si Pacquiao because out of the blue just blurred it out na corrupt ang… by the way meron akong if I remember tax evasion kay and he is a with assess to pay P2.2 billion ang utang niya na hindi niya binayaran ang gobyerno of all his fight lahat na yan considered since the beginning maraming away yan billion ang kinita niyan.” Pahayag ng Pangulo.
Bagaman nilinaw ng Pangulo na hindi naman niya nais habulin ang utang ni Pacman, dapat pa rin anyang sagutin ng pambansang kamao ang issue.
Iginiit din ng punong ehekutibo na hindi naman maikakailang sangkot din sa korapsyon ang People’s Champ dahil sa kabiguan nitong magbayad ng tamang buwis.
“Kukunin ng BIR yan ng America o walang problema talagang di magbayad yan kulong ka dito I remember he tried to find out may ano siya may utang siya 2.2 billion not because gusto ko siya habulin ayaw ko but sabi kasi corrupt eh di ikaw kung corrupt kami ikaw when you checked government you are corrupt lalo na I remember my kaso siya and still in the courts I do not know. lll checked it.” Pahayag ng Pangulong Duterte
—sa panulat ni Drew Nacino