Ilalagay sa mga British postage stamps ang mga larawan ng veteran rock band na Queen bilang tribute sa 50th anniversary ng bansa.
Ayon sa kanilang drummer na si Roger Taylor, tampok sa isang set ng 13 stamps sa susunod na buwan ang iba’t ibang artwork mula sa mga sikat nilang album covers at mga larawan mula sa kanilang live performances at studio photoshoot noong 1974.
Para naman sa kanilang gitarista na si Brian May, dream come true sa kanya ang mailagay sa stamps ng Britanya matapos ang pamamayagpag nila ng ilang dekada.