Nasa half-mast ngayon ang bandila ng Pilipinas sa mga kampo militar sa bansa.
Inilagay sa half-mast ang bandila sa mga kampo militar matapos ang ibinigay na high noon salute sa mga sundalo at mga pulis na nagbuwis ng buhay sa Marawi City.
Ayon kay Brig. General Restituto Padilla, spokesman ng AFP o Armed Forces of the Philippines, simbolo ito ng kanilang paggalang at pagluluksa sa mga kasamahan nilang nasawi sa labanan sa Marawi.
Sinabi ni Padilla na inabisuhan na rin nila ang mga ahensya ng pamahalaan na ilagay sa half-mast ang bandila sa kanilang mga tanggapan.
Muling nanawagan si Padilla sa publiko, anuman ang relihiyon na ipagdasal ang mga sundalo, pulis at mga sibilyang namatay sa Marawi gayundin ang mga nakikipaglaban pa rin at mga naiipit sa sagupaan.
119 kalapati pinakawalan sa Camp Crame
Nagpakawala ng isandaan at labing syam (119) na kalapati ang mga pulis sa Camp Crame kasabay ng pagdiriwang ng ika-isandaan at labing syam (119) na anibersaryo ng ‘Araw ng Kalayaan’.
Kasabay nito ay nagbigay pugay rin ang PNP o Philippine National Police sa mga pulis at sundalo na nagbuwis ng buhay sa Marawi City.
Binasa lamang ni PNP Deputy Director Fernando Mendez Jr. ang mensahe ni PNP Chief Director General Ronald Dela Rosa dahil dumalo ang hepe ng PNP sa programa sa Luneta Park na dapat sana’y dadaluhan ng Pangulong Rodrigo Duterte.
Sa mensahe ni Dela Rosa, nagpahayag ito ng pag-asa na hindi maglaho ang alab ng nararanasang kalayaan at demokrasya ng bawat Pilipino.
By Len Aguirre | With Report from Jonathan Andal