Wawagayway ang bandila ng Pilipinas sa Philippine Rise o dating Benham Rise sa June 12, Araw ng Kalayaan.
Magsasagawa ng underwater flag raising ceremony ang militar at DND o Department of National Defense maliban pa sa ship deck flag raising sa BRP Davao del Sur na syang pinakabago at pinamalaking barkong pandigma ng Philippine Navy.
Ayon kay Lt. Col. Isagani Nato, spokesman ng AFP o Armed Forces of the Philippines Northern Luzon Command, layon nitong igiit na sakop ng Pilipinas ang Philippine Rise at ipabatid ang kahalagahan nito.
Matatandaan na naging kontrobersyal ang pagpasok ng surveillance ship ng China sa Philippine Rise nitong mga nagdaang buwan.
By Len Aguirre | With Report from Jonathan Andal