Mabuting itigil na ng mga miyembro ng gabinete ang bangayan at batikusan sa isa’t isa sa harap ng publiko.
Panawagan ito ni Senate Minority Floor Leader Franklin Drilon matapos igiit na walang maidudulot na maganda sa bansa ang bangayan at batikusan ng cabinet members na nakakasagabal sa kakayahan ng pamahalaan na tugunan ang mga tunay na isyu at problema na nakakaapekto sa pamumuhay ng mga Pilipino.
Sinabi ni Drilon na makakabuting i-limita ng mga miyembro ng gabinete ang kanilang sagutan at iringan sa kanilang hanay at resolbahin ito sa isang meeting.
Mas mainam din aniyang mag focus ang mga cabinet member sa pagtugon sa mga pangunahing problema ng bansa at sa pagtiyak ng maayos na pagho-host ng ASEAN Summit at maipakitang ang mga tao sa gobyerno ay nagkakaisa, matatag at mahusay na institusyon ng demokrasya.
By Judith Larino |With Report from Cely Bueno
Bangayan ng mga miyembro ng gabinete dapat nang itigil – Sen. Drilon was last modified: April 26th, 2017 by DWIZ 882