Ikinalungkot ni Senate Minority Floor Leader Franklin Drilon na dati ring umupo bilang Justice Secretary, ang tila nangyayaring bangayan at intrigahan ng mga mahistrado ng Korte Suprema sa kasalukuyan.
Kasunod naman ito ng ulat na pwersahang pinagbabakasyon ng mayorya ng mga mahistrado ng Korte Suprema si Chief Justice Maria Lourdes Sereno sa gitna ng ikinahaharap nitong impeachment complaint.
Ayon kay Drilon, sa halos limang dekada niya bilang abogado, ngayon lamang niya nasaksihan ang lantarang bangayan at pag-iintrigahan ng mga Supreme Court Justices sa harap ng publiko.
Iginiit ni Drilon ang posibleng magiging epekto nito sa pamamahala ng hustisya sa bansa.
I’m sure may mga failure of organization, may mga intrigahan dyan,but it is always prep under wrap na din, ngayon lang ako, very openly and part of the public debate the quarrels between the justice system”.
Krista de Dios/ Cely Ortega-Bueno/ RPE