Tiniyak ng Malakanyang na iimbestigahan alinsunod sa umiiral na batas ng Pilipinas ang nangyaring banggaan sa pagitan ng isang bangkang pangisda ng mga Filipino at Hong Kong flagged cargo vessel sa karagatan ng Occidental Mindoro.
Ayon kay Presidential Spokesperson Harry Roque, nangyari sa karagatang sakop ng Pilipinas ang insidente kaya reresolbahin ito sa ilalim ng umiiral na maritime laws ng bansa.
Iginiit ni Roque, Pilipinas ang magdedesisyun sa usapin ng pananagutan sa banggaan.
Aniya, walang international law ang maaaring magamit sa imbestigasyon maliban sa konsepto ng innocent passage sa paglalayag ng isang dayuhang barko sa karagatan ng Pilipinas.
Tiwala rin si Roque na walang magiging epekto sa diplomatic relation sa pagitan ng Pilipinas at Hong Kong at nanyaring banggaan ng dalawang sasakyang pandagat.
14 na mga mangingisdang Filipino ang patuloy na pinaghahanap matapos makabangga ng kanilang sinasakyang bangkang pangisda na liberty 5 ang MV Vienna wood cargo vessel ng Hong Kong noong linggo ng umaga.