Tiwala ang isang senador na malaki ang posibilidad na maantala ang muling pagbuhay ng ekonomiya sa gitna ng nararanasang epekto ng COVID-19 pandemic.
Ito’y ayon kay Sen. Imee Marcos ay kung hindi matitigil ang sisihan sa pagitan ng National Grid Corporation of the Philippines at ng Department of Energy dahil sa usapin ng brownout.
Ayon kay Marcos, higit na kailangan ngayon ang sapat na suplay ng kuryente lalo’t inaasahan nang magbabalik ang face-to-face classes gayundin ang regular na operasyon ng mass transport tulad ng MRT at LRT.
Giit ng senadora, hindi kakayanin ng ekonomiya kung magpapatuloy ang malawakang brownout sa bansa dahil sa ikinakasang preventive maintenance ng mga planta ng kuryente at kawalan ng bagong konrata para dagdagan ang energy capacity.
Nagbabala pa si Marcos na posibleng maging malala ang sitwasyon kung hindi aaksyon ang DOE lalo’t inaasahang mauubos na sa 2024 ang power generating capacity ng malampaya natural gas facility na siyang pinagkukunan ng 30% ng enerhiya sa Luzon.