Nagbabadya ang banggaan ng senado at kamara sa pagpasa sa panukalang Bangsamoro Basic Law (BBL).
Ito’y bunsod ng inaasahang mahaba at mainit na diskusyon ng bicameral committee na magre-reconcile ng magkaka-ibang bersyon ng BBL na paspasan umanong inaprubahan sa kamara.
Naniniwala si Senator Chiz Escudero na imposible ring aprubahan ni Pangulong Noynoy Aquino ang BBL kahit pa bago ang kanyang huling State of the Nation Address kahit pa ipasa ito ng kongreso sa June 11, dahil sa iba’t-ibang bersyon.
Tatlong araw lamang ang inabot upang lumusot sa committee level ng kamara ang BBL noong isang linggo na malabo naman umanong sapitin ng naturang panukala sa mataas na kapulungan ng kongreso.
By Drew Nacino