Nabawi na ng Armed Forces of the Philippines ang Banggolo Bridge na isa sa tatlong pinaka-kritikal na tulay sa Marawi City.
Ayon kay A.F.P.-Western Mindanao Commander, Lt. Gen. Carlito Galvez, kahapon ay tuluyang nabawi ng militar ang tulay matapos ang isang buong araw na sagupaan ng militar at mga terorista na nagresulta sa pagkasawi ng tatlong sundalo at pagkasugat ng mahigit 50 iba pa.
Ito na ang ikalawang tulay na nabawi ng militar kasunod ng Mapandi Bridge.
Sa ngayon, ang tulay na lamang ng Raya Madaya ang hindi pa nako-control ng mga tropa ng gobyerno.
Dahil dito, inihayag ni Galvez na masasabi ng militar na kontrolado na nila ang malaking bahagi ng main battle area senyales na patapos na digmaan sa Marawi na hindi na aabutin ng isang buwan.
By: Drew Nacino / Jonathan Andal
SMW: RPE