Wala pang pinal na kasunduan ukol sa kompensasyon para sa bangka ng mga Pilipinong mangingisda na binangga at pinalubog ng isang Chinese vessel sa Recto Bank noong Hulyo 2019.
Ayon kay Department of Justice Undersecretary Adrian Sugay, nagpapapatuloy pa ang negosasyon kaugnay ng napaulat na P6 milyong settlement sa pagitan ng mga mangingisdang Pinoy at mga may-ari ng Yuemaobinyu 42212.
Matatandaang sinalpok at inabandona ng bangka ng China ang Gem-Ver1 kung saan lulan dito ang 22 Pinoy fishermen bago nasagip ng isang Vietnamese vessel.