Walong katao ang patay habang 13 ang sugatan matapos tumaob ang isang bangka sa China.
Pabalik na mula sa isang fishing trip ang nasabing bangka sakay ang 61 pasahero nang mangyari ang insidente sa baybayin ng Beihai Tieshangang District.
Agad naman na dinala sa pagamutan ang mga nasugatan at kasalukuyang ginagamot.
Na-rescue naman na ang lahat ng nahulog sa tubig at nasa kustodiya na rin ng awtoridad ang may-ari ng tumaob na bangka.
Patuloy pa rin ang isinasagawang imbestigasyon sa insidente.—sa panulat ni Rex Espiritu