Hinaharang ng mga barko ng Chinese Coast Guard ang mga mangingisdang Filipino na pumapalaot upang mangisda sa karagatang malapit sa pag-asa island sa West Philippine Sea.
Batay sa ulat ng ilang mga mangingisda at lokal na opisyal ng pag-asa island, hindi pinapayagan ng Chinese Coast Guard ang mga mangingisdang pinoy na dumaan sa naturang teritoryo.
Ang insidente ay nangyari kasunod ng pagkakapasa ng isang batas sa china na nagbibigay pahintulot sa kanilang coast guard na gumamit ng puwersa o paputukan ang mga dayuhang barko na papasok sa inaangkin nilang teritoryo.
Kaugnay nito, umaapela ang mga mangingisdang filipino sa daministrasyong duterte na kondenahin ang naturang kautusan ng china.
Dagdag ng mga mangingisda pinoy, wala silang kalaban-laban sa pagiging agresibo at ipinakikitang puwersa ng Chinese Coast Guard sa bahagi ng West Philippine Sea.