Hindi ang 14-anyos na si Reynaldo ‘Kulot’ de Guzman ang bangkay na natagpuan sa isang creek sa Gapan, Nueva Ecija noong nakaraang linggo.
Ito ay batay sa isinagawang DNA test ng Philippine National Police.
Ayon kay Deputy Director General Fernando Mendez hindi nag-match ang buccal swabs na kinuha sa mga magulang ni Reynaldo sa DNA ng katawan na natagpuan sa creek na brutal na pinagsasaksak at binalutan pa ng packaging tape ang mukha.
“We got buccal swabbing, samples from the mouth of the parents.” Ayon kay Mendez
Si Reynaldo ang sinasabing kasama umano ni Carl Angelo Arnaiz bago pa man napatay ang huli ng mga pulis-Caloocan matapos na umano’y mang-holdap ng isang taxi driver at manlaban.
AR/ Ulat ni Jonathan Andal