Hinukay na ang bangkay ng 12 anyos na lalaking binakunahan ng dalawang dose ng Dengvaxia Vaccine sa San Isidro, Nueva Ecija upang isailalim sa autopsy ng Public Attorney’s Office.
Ipinaliwanag ni Janet Elipane, ina ni Melvin Karl Elipane na nagpakita ng mga sintomas ng Severe Dengue ang kanyang anak matapos iturok ang second dose ng bakuna sa paaralan.
Nahilo anya ang anak, namanhid ang katawan, nahirapang huminga kaya’t agad idiniretso sa ospital.
Bago si Melvin Karl, 20 pang batang namatay sa matinding sintomas ng dengue ang isinailalim sa otopsiya ng P.A.O.
Posted by: Robert Eugenio