Natagpuan ang isang bangkay ng lalaki na walang saplot at nakabalot ang mukha ng packaging tape sa barangay Makiling, Calamba City, linggo ng gabi.
Ayon kay P/Supt. Sancho Celedio, hepe ng Calamba City Police nakatanggap sila ng ulat mula sa napadaang residente na nakakita sa bangkay at nang kanila itong puntahan ay may nakita tama ng bala sa ulo nito.
Hindi pa rin natutukoy ng pagkakakilanlan ng biktima dahil sa pagkakabalot ng packaging tape sa mukha nito.
Patuloy naman ang imbestigasyon sa naturang insidente.