Ang isa sanang masayang bakasyon ng magkakaibigan, nauwi sa hindi inaasahang trahedya sa dagat.
Kung ano ang nangyari, alamin.
September 26 nang magpunta ang 68-year-old na U.S. citizen na si Colleen Monfore kasama ang kanyang mga kaibigan at pinasyalan ang dagat sa palibot ng Palau Reong Island.
Habang nasa tubig ay tinangay daw ng malakas na alon si Monfore at hindi na siya nasagip ng kanilang guide pabalik sa bangka na nagresulta sa walong araw na search operation.
Ngunit isang mangingisda sa Timor-Leste ang nakahuli at nakapatay sa isang pating, 120 km ang layo mula sa kung saan huling nakita si Monfore.
Sinabi ng mangingisda na inakala niyang nakalunok ng plastic o fishing net ang nahuling pating dahil hindi maganda ang kondisyon nito kung kaya naman biniyak ang tiyan nito para alamin ang problema.
At doon na natagpuan ang bangkay ng isang babae.
Bukod sa isang katawan, mayroon ding wetsuit at bathing suit na nakita sa katawan ng pating na nakumpirmang pag-aari ni Monfore, ngunit inaalam pa rin daw ng awtoridad kung mayroon pang ibang nawawalang mga tao.
Sinabi naman ng head of the Regional Technical Implementation Unit for the Management of the Alor Islands na si Muhammed Saleh Goro, ang bangkay daw na natagpuan sa loob ng katawan ng patay na pating ay natagpuan sa Timor-Leste at hindi sa teritoryo ng Indonesia.
Sa isang pahayag naman ay sinabi ng spokesperson ng United States na aware sila sa pagkamatay ng U.S. citizen at nagpahatid ng pakikiramay at nagbigay ng consular assistance.
Samantala, pinaniniwalaan naman ng asawa at mga kaibigan ni Monfore na medical issue ang naging sanhi ng pagkamatay nito at sinabi pa na ito raw ay isang excellent diver.
Ang mga opisyal naman ng coast guard ay nakipag ugnayan sa Indonesian coast guard at humingi sa mga taong nawawalan ng mga kaibigan o pamilya ng mga impormasyon.
Ikaw, anong masasabi mo sa biglaang pangyayari na ito?