Nadiskubre ang bangkay ng isang swedish national sa isang hotel sa Coron, Palawan.
Natagpuan umano ng empleyado ng Coron Visitors Hotel na si Reynaldo Nobelo ang bangkay ni Stefan Pengchon, dalawampu’t isang (21) taong gulang.
Nag iinspeksyon umano si Nobelo sa resort nang makitang nakaupo sa lupa ang dayuhan at kinalaunan ay napansin na nito ang dugo mula sa bibig ni Pengchon.
Nilinaw naman ng manager ng hotel na hindi nila guest ang naturang dayuhan.
Kasalukuyang iniimbestigahan ng mga otoridad kung ano ang naging sanhi ng pagkamatay nito.