Nakasilid sa sako at tadtad ng sasak ang isang lalaki nang matagpuan ng mga awtoridad sa Antipolo City.
Ayon sa awtoridad, nakita ng ilang naglalarong bata sa ilog ang biktima sa loob ng isang sako.
Sa pagsusuri, hindi bababa sa tatlo ang natamong saksak ng lalaki.
Malamang din daw ay hindi lang isang salarin ang gumawa ng krimen.
Mabilis namang nalaman ang pagkakakilanlan ng biktima na isang 27-anyos ng kinlalanin ng kaniyang pamilya na ilang araw nang nawawala.
Hinala ng pulisya, na biktima ng holdap ang biktima at nanlaban hanggang sa humantong sa kalunos-lunos na pagpatay dito.
Patuloy naman ang imbestigasyon ng pulisya sa kaso.