Hinukay ng Iraqi forensic team ang 499 katawan mula sa mga libingan sa presidential complex sa lungsod ng Tikrit sa Baghdad, Iraq.
Pinaniniwalaang mga Iraqi military cadets ang mga bangkay na pinatay at inako ng ISIS noong June 2014 sa pamamagitan ng isang massacre sa Camp Speicher, isang pinatibay na Iraqi base malapit sa Tikrit.
Nasa central morgue sa Baghdad ngayon ang mga labi habang nagsasagawa pa ng pagsusuri ang forensic team.
Hindi pa naibabalik sa kani-kanilang mga pamilya ang mga bangkay.
Pinaghahanap naman ang iba pang mass graves sa nasabing siyudad.
By Mariboy Ysibido