Narekober na ng mga otoridad ang bangkay ng nasawing CAFGU o Civilian Armed Forces Geographical Units member matapos ang pag-atake ng BIFF o Bangsamoro Islamic Freedom Fighters sa Pigcawayan, Cotabato noong Miyerkules
Batay sa ulat, nagtagpuan ang katawan ng nasabing CAFGU member malapit sa kanyang tahanan.
Nagtamo ito ng tama ng bala sa kanyang ulo, likod at tuhod.
Kwento ng asawa ng biktima, kaibigan ng nasabing CAFGU ang BIFF member na bumaril dito na humingi pa umano ng tawad kanila.
Una ring nai-ulat na naglagay ng improvised explosive device (IED) ang BIFF malapit sa bangkay ng pinatay na CAFGU member dahilan kaya natagalan ang pagrekober dito.
By Krista De Dios