Iniimbestigahan na ng Bangko Sentral ng Pilipinas ang isang daang pisong walang larawan ni Dating Pangulong Manuel Roxas na nakuha mula sa isang ATM machine.
Matatandaang nag trending sa social media ang post ng isang Earla Anne Yehey hawak ang isang daang pisong na kanyang winidraw sa ATM machine na pag aari ng Bank of the Philippine Island sa Eastwood, Quezon City.
Ayon kay BSP Governor Nestor Espenilla Junior, sinusubukan nilang makontak ang nasabing tao para makuha ang pera para ma- eksamin.
Sinabi naman ng pamunuan ng BPI na biniberipika na nila ang nasabing post.
Sa ngayon umabot na sa dalawampu’t limang libong (205,000) reaksyon ang nakuha ng naturang post at higit dalawampung libong (20,000) shares.