Pinayuhan ng Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) ang publiko na maging alerto kaugnay sa kumakalat na mga pekeng pera.
Ayon sa BSP, dapat na regular na inspeksiyunin ang banknotes upang ma-check kung tunay o peke ang mga money bill.
Sinabi pa ng BSP na nakapag-deploy na ang mga bangko ng “adequate risk management measures” upang mapigilan ang mga insidente ng counterfeiting.
Bukod sa cameras, sinanay din ang cash handlers at service providers para matukoy ang mga pekeng pera.
Nagpaalala naman sa publiko ang BSP na sakaling maglabas ang isang ATM machine na pinaghihinalaang pekeng pera ay agad itong i-report sa bangko na nagmamay-ari sa machine. —sa panulat ni Angelica Doctolero