Itinaas ng Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) ang benchmark rate nito sa maraming uri ng financial transactions.
25 basis points ang ipatutupad na pagtataas ng interest rate para sa ilang transaksyon ng mga bangko sa BSP.
Epektibo ito simula ngayong araw kung saan kabilang din dito ang mga lending facilities o mga pautang.
Layon nito na masolusyunan ang mabilis na ‘inflation rate’ sa bansa dahil sa paghina ng ekonomiya dulot ng COVID-19 pandemic.
Nabatid na ito ang kauna-unahang pagkakataon na nagtaas ng rate ang BSP sa loob ng tatlong taon o simula 2018.
4.6% ang inflation forecast ng BSP ngayong taon na mas mataas sa target na 4.3%.