Aprubado na ng Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) ang magiging kaparusahan ng dalawang bangko na sangkot umano sa 2021 hacking incident.
Ayon sa BSP, natapos na ang imbestigasyon sa naganap na unauthorized access of accounts sa Banco de Oro (BDO) at fund transfer o paglilipat ng saving accounts sa Unionbank of the Philippines (UBP).
Sinabi ng bsp na inaprubahan na ng Monetary Board (MB) ang sanctions ng BDO at UBP upang mabilis na matugunan ang naturang isyu.
Matatandaang nagreklamo ang ilang mga depositors ng BDO kaugnay ng nai-wi-withdraw na pera sa kanilang accounts ng walang permiso kung saan, (NBI) ang responsable sa insidente na ikinaaresto ng dalawang nigerian noong Disyembre 2021.
Gayunman, hindi binanggit ng BSP kung anong kaparusahan ang ipapataw sa dalawang bangko.