Binisita ni Pope Francis ang Bangladesh na bahagi ng kanyang Asian visit.
Dito ay nakaharap ng Santo Papa ang mga Rohingya Muslim at sa kauna-unahang pagkakataon ay tinawag niya ito sa kanilang ethnic group na pangalang Rohingya.
Ayon sa Santo Papa, siya na mismo ang humihingi ng kapatawaran para sa lahat ng mga umusig at nagpahirap sa mga Rohingya.
Matatandaang sa pagbisita sa Myanmar ni Pope Francis ay binatikos ang Santo Papa sa pag-iwas sa pagbanggit o paggamit sa salitang Rohingya.
Tinatayang nasa mahigit 600,000 Rohingya na ang lumikas mula Myanmar patungong Bangladesh dahil sa nararanasang kaguluhan doon.
—-