Mayroon nang lead ang Bangladeshi government sa pagkakakilanlan ng mga hackers na umatake sa kanilang account sa Federal Reserve Bank sa New York.
Kaugnay pa rin ito ng 81 million dollars na nanakaw mula sa Bangladesh Central Bank na naging mitsa naman ng money laundering scandal sa Pilipinas.
Ayon kay Bangladesh Ambassador to the Philippines John Gomes, batay sa isinagawang imbestigasyon ng kanilang pulisya, hindi Pilipino o Bangladeshi ang mga naturang hackers.
Dalawampung (20) indibiduwal mula sa iba’t ibang bansa ang sinasabing nasa likod ng grupong nagtangkang limasin ang kaban ng Bangladesh sa pamamagitan ng hacking.
Kasunod nito, tumanggi nang magbigay pa ng karagdagang detalye ang Bangladeshi Ambassador.
Nakatakdang ipagpatuloy ngayong araw ang senate investigation sa naturang usapin.
By Jaymark Dagala