Pinag-aaralan ng mga awtoridad ng Bangladesh na patawan ng parusang kamatayan ang mga nagtutulak ng droga.
Ito ay matapos na dumoble ang bilang ng mga nakumpiskang methamphetamine drugs o mas kilala sa tawag na “yaba” sa naturang bansa.
Ayon kay Jamaluddin Ahmed, pinuno ng Narcotics Control Department ng Bangladesh galing pa sa Myanmar ang nasabing droga at naging talamak ito sa kanilang bansa nang dumating ang mga Rohingya refugees.
Noong 2017 ay umabot sa mahigit apatnapung (40) milyong “pills” ng nasabing droga ang nakumpiska ng mga awtoridad.
—-