Sinira ng Bangladeshi authorities ang nasa dalawampung (20) bangkang nagdadala doon ng mga Rohingya Muslims na tumatakas mula sa Myanmar.
Ito ay matapos akusahan ang mga lumikas na Rohingya na nag-aangkat ng methamphetamine, isang sangkap sa paggawa ng iligal na droga sa Bangladesh.
Ayon sa mga saksi, binugbog at inaresto pa ng mga Bangladeshi border guards ang mga sakay na pasahero at tripulante ng winasak na mga bangka.
Itinanggi naman ng commander ng border guards Bangladesh ang pananakit sa mga pasahero at iginiit na ang pag-aresto sa mga ito ay hakbang ng pamahalaan para mahinto ang kaso ng human trafficking at pagpasok ng mga kontrabando tulad ng methamphetamine.
—-