Timbog ang isang Bangladeshi national sa buy bust operation sa isang hotel sa Pasay City.
Si Mohammad Ansur Rahman ay nahuli sa kaniyang hotel room matapos magbenta ng P1,000.00 halaga ng shabu sa isang undercover agent ng PDEA o Philippine Drug Enforcement Agency.
Nakuha kay Rahman ang limampung (50) gramo ng shabu na nagkakahalaga ng P300,000.00.
Ang nasabing entrapment operation ay isinagawa matapos ang isang buwang surveillance kay Rahman, na halos isang taon nang nasa Pilipinas at kasal sa isang Pinay.
Sinabi ng PDEA na gumagawa ng strategy ang mga drug pusher tulad ni Rahman na nagpapalipat-lipat ng hotel para makapagbenta ng droga kaya’t hindi makakabili ng droga ng basta-basta.