Pinag-aaralan na ng Senado ang bersyong isinumite sa kanila ng Bangsamoro Transition Commission hinggil sa panukalang BBL o Bangsamoro Basic Law.
Ito’y ayon kay Senate President Koko Pimentel ay matapos ang naging pagpupulong nila ng BTC kay Pangulong Rodrigo Duterte nuong isang linggo.
Sa panayam ng programang “Usapang Senado” kay Pimentel, sinabi nito na dapat nang matalakay ang nasabing panukala bago matapos ang taong ito.
Binigyang diin ni Pimentel na may pangangailangan na upang madaliin ang pagtatamo ng kapayapaan sa Mindanao kaya’t tinitingnan na nila ang mga paraan para matamo ito.
SMW: RPE