Sinertipikahan nang urgent ni Pangulong Rodrigo Duterte ang panukalang BBL o Bangsamoro Basic Law.
Iyan ang kinumpirma ni House Majority leader at Ilocos Rep. Rodolfo Fariñas bagama’t wala namang sinabi o ipinag-utos ang Pangulo sa Kongreso.
Ayon kay Fariñas, layon ng nasabing hakbang na maipasa na sa ikalawa at ikatlong pagbasa sa Kamara at Senado ang kani-kanilang bersyon ng BBL bago ang adjournment
Gayunman, sinabi ni Fariñas na magkakaroon ng Bicameral Conference Committee habang naka-break ang kongreso para resolbahin ang mga probisyon katuwang ang BTC o Bangsamoro Transition Commission at ang ehekutibo.