Tinatayang kalahating milyon katao ang inaasahang lalahok sa Bangsamoro General Assembly na pangangasiwaan ng Moro Islamic Liberation Front o MILF at Bangsamoro Transition Commission.
Ayon kay MILF First Vice Chairman for Political Affairs at Bangsamoro Transition Commission (BTC) Chair Ghazali Jaafar, ang nasabing pagtitipon ay pagpapakita ng malawakang pagsuporta sa isinusulong na panukalang Bangsamoro Basic Law na nasa kamay na ng Kongreso.
Bumuo na rin ang MILF ng komite na mangangasiwa sa seguridad.
Inaasahang dadalo sa event ang Pangulong Rodrigo Duterte, mga lokal na opisyal sa pangunguna ni Maguindanao Governor Esmael Toto Mangudadatu, ARMM Governor Mujiv Hataman, mga senador at kongresista.
Itinakda sa November 3 at 4 ang nasabing pagtitipon sa gagawin sa Maguindanao Old Capitol sa Brgy. Simuay sa bayan ng Sultan Kudarat.
_____