Balik na sa regular session ang Bangsamoro Transition Authority (BTA) ng Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM) makaraan ang mahigit dalawang buwan.
Pinangunahan ni BARMM Chief Minister Ahod “Murad” Ebrahim ang pagbubukas ng ikalawang regular na sesyon ng parliyamento na nakatuon sa pagtugon ng rehiyon sa coronavirus disease 2019 (COVID-19) crisis.
Ayon kay Ebrahim, titiyakin niyang mararamdaman ng mga mamamayan ang Bangsamoro Government.Ipinagmalaki rin ng opisyal na namahagi na sila ng mahigit 400 food packs at relief goods sa mga benepisyaryo.