Naniniwala si senatorial bet Samira Gutoc na bangsamoro ang greatest achievement ng administrasyong Duterte at hindi ang war on drugs.
Sinabi ni Gutoc, na maaari sanang naging matagumpay ang kampanya laban sa ilegal na droga ng administrasyong Duterte kung hindi sana ito nabahiran ng isyu hinggil sa extrajudicial killings.
Giit ni Gutoc, sayang dahil peace and order ang isinusulong ng war on drugs na ito, ngunit ang mga naging pagpatay sa ilalim ng kampanyang ito ay higit na nakatawag pansin, naging kwestyunable at hanggang sa ngayon ay iniimbestigahan.
Kaya ayon kay Gutoc, bilang residente siya ng Marawi, malaking bagay sa kaniya nang maisabatas ang Bangsamoro Law kung saan 4M Pinoy ang naapektuhan nito.
Samantala, sinabi ni Gutoc na sa tingin niya ang naging “biggest failure” ng administrasyong Duterte ay ang pagiging handa sa pagtugon sa krisis.