Naalarma si Bangsamoro Chief Minister Ahod Ebrahim o Al Haj Murad Ebrahim sa anti-terrorism bill.
Dahil dito, hinikayat ni Ibrahim ang Pangulong Rodrigo Duterte na i-veto ang panukalang batas.
Ayon kay Ebrahim, bilang lider ng isang political entity na naggaling sa 40 taong pakikibaka laban sa oppression at injustice tungkulin niya na tiyaking hindi magagamit laban sa karapatan at kalayaan ng mamamayan ang anumang panukalang batas laban sa terorismo.
Maliban sa mga malalabo at labag anya sa konstitusyon na probisyon ng anti-terror bill, duda rin sya sa isinasaad na pagbuo ng anti-terrorism council na mag uutos ng pag-aresto sa tutukuyin nilang terorista.
Sa kanilang karanasan anya, nauuwi sa abuso ang pagbibigay ng malawak na kapangyarihan sa mga ahente ng pamahalaan
Nakita anya nila ang pang aabusong ito sa profiling na ginagawa ng PNP sa mga estudyanteng Muslim at Muslim communities.