Pormal nang niratipikahan ng Kamara ang BOL o Bangsamoro Organic Law.
Ito ay matapos maudlot noong Lunes kung kailan itinakda sanang ratipikahan ang BOL dahil sa palit liderato sa Kamara.
Sa ilalim ng BOL, magkakaroon ng mas malawak na fiscal autonomy, sariling regional government, parliament at justice system ang magiging Bangsamoro Region.
Ang proposed region ay bubuuin ng Tawi Tawi, Sulu, Basilan, Maguindanao at Lanao Del Sur na mga lugar na kasalukuyang sakop ng ARMM.
Kabilang din sa nais isama sa magiging Bangsamoro Region ang anim na munisipalidad ng Lanao Del Norte at 39 na barangay ng North Cotabato.
Sakaling malagdaan ng Pangulong Rodrigo Duterte ang panukala at maging ganap na batas, maitatatag na ang Bangsamoro government na pangungunahan ng chief minister at ceremonial leader na tatawaging Wali.
(with report from Jill Resontoc)