Lider na walang pagod nagsulong ng kapayaan sa rehiyon ng Mindanao para sa mga Bangsamoro.
Binigyang diin ito ng Bangsamoro parliament matapos i-adopt ang resolusyon na isinulong ng Bangsamoro Transition Authority bilang pakiki-simpatiya at pagpapaabot ng pagdadalamhati sa pamilya ng yumaong dating Pangulong Noynoy Aquino.
Nakasaad sa resolusyon ang commitment ng dating pangulo para makahanap ng solusyon sa kaguluhan sa Mindanao na nagbigay daan sa anito’y breakthrough sa Bangsamoro peace process.
Kabilang dito anila ang negosasyon sa MILF naging daan nang paglagda sa comprehensive agreement on the Bangsamoro.
Ayon pa sa BTA maaalala ang dating Pangulong Aquino bilang Chief Executive na naglatag ng pundasyon ng kasalukuyang bangsamoro government at nagsulong ng maraming reporma sa buong Muslim Mindanao region.