Nagsalita na rin ang Bangsamoro Parliament sa isyu ng anti-terrorism bill.
Isang resolusyon ang ipinasa ng parliamento na, nananawagan sa Pangulong Rodrigo Duterte na i-veto ang anti-terrorism bill.
Nakasaad sa resolution no. 239 na gamitin sana ng Pangulo ang kanyang veto powers upang mabigyan pa ng pagkakataon ang kongreso na ayusin ang mga malalabong probisyon ng panukalang batas.
Nagpasa ng resolusyon ang parliamento matapos magpahayag ng pagkaalarma sa anti-terror bill si Bangsamoro Chief Minister Ahod Ibrahim o Al Haj Murad.