Nadiskubreng barya-barya lamang ang bank deposits ni dating Supreme Court Chief Justice Renato Corona.
Sa report ni Sheriff Alexander Valencia, mahigit P2,000 lamang ang laman ng bank account ni Corona sa Landbank-Taft Avenue branch.
Ang pagkakadiskubre ng Second Division ng Sandiganbayan sa naturang laman ng bank deposits ni Corona ay bunsod ng garnishment order ng korte na nag-ugat sa forfeiture case laban sa dating punong mahistrado.
By Jelbert Perdez | Jill Resontoc (Patrol 7)