Lumago ng 13.7% noong Nobyembre mula sa 13.9% noong Oktubre noong nakaraang taon ang outstanding loans ng mga universal at commercial bank at net ng reverse repurchase placements sa Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP).
Sinabi ng BSP na sa month-on-month seasonally-adjusted basis, ang natitirang universal at commercial loans sa bangko ay tumaas ng 0.37%.
Ayon sa BSP, ang patuloy na paglago ng credit at domestic liquidity ay patuloy na susuporta sa economic activities at domestic demand ng bansa.
Titiyakin aniya ng BSP na ang liquidity at lending dynamics ay mananatiling consistent sa pangunahing mandato nito sa pagtataguyod ng presyo at katatagan ng pananalapi.
Nauna nang nag-ulat ang ilang mga bangko ng loans uptick maging sa paggamit ng credit card habang patuloy na bumabangon ang ekonomiya mula sa epekto ng COVID-19 pandemic. – sa panulat ni Hannah Oledan