Inihayag ng Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) na lumago ng 8.8% ang Outstanding Loans of Universal and Commercial Banks o bank lending ng bansa.
Ayon sa BSP, ito ay dahil sa bumubuting sitwasyon bunsod ng pagluwag ng restriksiyon sa gitna ng COVID-19 pandemic.
Sa pahayag ni BSP Governor Benjamin Diokno, patuloy na nakakarekober ang ekonomiya ng bansa maging ang pagpapautang sa mga bangko sa ilalim ng Alert level 1 na mas pinalawig pa hanggang sa Abril 15. —sa panulat ni Angelica Doctolero